Children’s Theatre Presents Fruit Cocktail

Ang kaharian ng mga prutas ay naghahanda para sa pagtitipong pinakahihintay ng lahat — ang Fruit Cocktail!

Lahat ng uri ng prutas sa buong nasasakupan ay inanyayahan. Ganu’n na rin ang ilang mga espesyal na kaibigang gulay at iba pang halaman.

Dumating na nga ang selebrasyon at una nang dumating ang mga kapamilya ni Haring Saging. Sumunod ang mga mansanas mula sa karatig-hasyenda. Makakatas at mapupula. Merong kulay pula at ang iba nama’y berde.

Lasing na nang dumating ang mga ubas. Dumating na din ang prinsesa na nakaupo sa tasa — kasuy. Magkakapares nang dumating ang mga pakwan. Tayung-tayo ang postura, mabibilog at mukhang masabaw — nagmumura sa galit! Siguro’y hindi maganda ang gising. “Pakwan!” ang bati ni Haring Saging nang makita ang mga bagong dating na bisita. Sinalubong din ng iba pang saging ang mga pakwan. Kinamayan at hinagod. Palatandaan ng malugod na pagtanggap.

Sumunod na dumating ang mga melon. Masabaw din ngunit mas maliit kesa pakwan. Sinalubong sila ng mas maliliit na lalakeng saging.

Ang mga babaeng papaya naman ang dumating. Alam ng lahat na sila’y maramdamin kaya’t nang sila’y pumasok sa tarangkahan, lahat ay nagbigay pugay kahit konting sandali. Lahat ay bumati sa kanila. Bagsak na ang katawan ng mga papaya. Pahaba ang korte, hindi na bilog. Hindi na nakatayo, parang mga kubang hinukod na nakasabit. Marahil ay sa dami na ng naranasan nilang hirap. At sarap. Ganunman, madami pa din ang naakit. Madami pa din ang nagnais na makakamay man lang. Mapagbigay naman ang mga papaya. Isa-isa at dala-dalawang kamay na hinayaan nila at malugod na tinanggap ang lahat ng kumamay sa kanila. Sila man ay nasiyahan din sa nangyari.

Halos lahat ng inaasahan ay dumating na nga. Pipino, talong, upo, rambutan, pinya at iba pa.

Nagsimula na ang programa. Ang mga saging ay marahan nang ibinaba ang balat. Nakamasid ang lahat. Isa ito sa tampok ng pagtitipon.

Ang mga pakwan naman, melon at papaya at iba pang prutas na katulad nila ay isa-isa nang binibiyak! Nagsimulang tumulo ang dakta ng papaya. Malagkit.

Ang sabaw ng pakwan ay umagos na sa mesa.

Ang bawat sulok ng kaharian ay napupuno ng mga ingay ng kasiyahan. Nagpapalipad ng lobo ang ilan. Ang ibang lobo ay pinapuputok. Ilan sa mga saging at talong ay pinaglalaruan ang mga lobo. Sumusuot sila dito. Halos lahat ay masaya — naghahabulan, umiinom ng alak at iba’t ibang ungol at sigaw ng kaligayahan ang maririnig.

Nasa ganitong antas ng kasiyahan ng may kumatok sa kanina pa saradong pinto ng kaharian. Natigilan ang lahat. Napatda! Lahat sila’y sandaling huminto sa mga pinagkakaabalahan.

Binuksan ng dalawang mangga ang pinto. Lahat ay nakaabang, “Sino kaya ang kumakatok?!” natanong nila sa isa’t isa. Tuluyang nabuksan ang pinto. At tumambad sa kanila ang isang MONAY!

“Monay?!”, mahina ngunit nagtatakang sambit ni Haring Saging. “Ano ang ginagawa ng isang tinapay sa pagdiriwang ng mga prutas?!”, ito ang pinapahiwatig na mata ng mga naroon. Lalo na ng pinya.

“Ano pong maipaglilingkod?”, tanong ni Haring Saging habang talop na talop.

At nagsimulang magsalita ang monay, “Ako po ay minasa ng aking manlilikha upang maging monay. Madami din po akong pinagdaanan sa buhay tulad n’yo. Ako po ay bumagsak sa kamay ng tao, dumaan sa pugon at ako’y nag-init din naman. Kami po ay hinapit sa supot para sa umaga ay ibenta sa halagang dalawang piso. Alam po naming kami’y masasarap at madalas ay sagot sa gutom. Pero ang serbisyo po ng isang monay ay sapat lamang para sa isang kakain. Kung ma’y kumagat mang iba at wala kaming magawa, iyun ay kasalanan ng nagmamay-ari sa’min na dapat sana’y kanya lamang.

“Kung kami’y mapabayaan o malangawan; o kaya’y malawayan ng iba, kami’y mapapanis sa pagdaan ng mga araw at oras.

“Ang sarili’y aming pinapahalagahan. At katulad ng nabanggit — sinisigurado namin na sa abot ng aming makakaya na ang bawat isa sa amin ay para sa natatanging isa rin lamang.”

At tumalikod na, humakbang palayo ang monay. Hindi nila nakagatan, hindi man lang nalawayan.

Si Haring Saging ay nagsimulang ibalik ang balat sa sarili. Ang mga pakwan, melon at iba pang prutas na katulad nito na kanina pa nagpapabiyak ay nagsipag-ayos na ng sarili. Dinamdam naman ng papaya ang narinig mula sa monay. Hindi mapigilan ang pagluha.

Umasim ang mukha ng mangga. Inis na inis! Lalo na ang kalamansi, hindi maipinta ang mukha. Ang iba naman sa mga prutas ay nagalit din sa monay. “Hipokrito! Inggit lang yan! Pekeng moralista!”, sabi nila.

 

Pagsusulit Para sa mga Natatanging Bata ng Unang Baitang:

1. Piliin ang iba sa pangkat:

a. monay

b. bibingka

c. flower

d. mani

e. mangga

2. Piliin pa rin ang naiiba sa grupo:

a. saging

b. hotdog

c. talong

d. mansanas

e. batuta

3. Essay: May karanasan na rin ba ang monay?

 

[written by: Dima]

Comments are welcome!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s