The Band CUNEJO on their Trending Music Video REUNION; Porn and Insomnia; and Unlimited Rice

Fresh from their trending music video “Reunion”, we caught Cunejo at Route 196. We talked about day jobs, empty bars during gigs and unlimited rice.

 

Insomnia PH:

For sure natanong na ‘to ng iba sa inyo. Pero itatanong pa din namin — Baket CUNEJO? May sexual undertone ba ‘to? Thou parang hindi naman sexual mga kanta nyo. Mga love song.

 

Julius:

Dapat pangalan namin Razorback, nagulat ako meron na pala.

 

Insomnia PH:

Hindi ka aware?

 

Julius:

Tapos naisip ko, Rivermaya kaya? Meron na din pala. Yung Cunejo wala pa kaya sige, Cunejo na lang.

 

[Laughing]

 

Jeff:

At saka kulay pink.

 

Julius:

Anlabo.

 

Insomnia PH:

May cunejo bang pink? Di ba white?

 

Anthony:

Yung mata.

 

[Laughing]

 

Jeff:

Parang yung mga binebenta sa fiesta.

 

Insomnia PH:

Ah oo nga, may kulay!

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Di ba nung nasa Wazzup Wazzup tayo, may band ka? Eto din ba yun?

 

Julius:

Eto na yun. Pero hindi kami active nun. Pasulpot-sulpot.

 

Insomnia PH:

Naalala ko may time nun na nag-eexcuse ka, hindi ka makakapag-edit kasi may gig…

 

Julius:

Alibi ko lang yun.

 

[Laughing]

 

Julius:

Nung nag-Baguio tayo. Tapos nag-excuse ako. Lock in meeting yun e. Umuwi ako kinabukasan kasi may tugtog kami. Sa Commonwealth.

 

Akmar:

Marikina yun.

 

Julius:

Ayun!

 

Insomnia PH:

So sabi nyo sa simula pasulpot sulpot pa lang. Kelan yung time na nagdecide kayo na seryosohin na ang pagbabanda?

 

Akmar:

Nung time na hinahabol na kami ng mga endorsement.

 

Jeff:

Meron ba?

 

[Laughing]

 

Julius:

Actually, magkaklase kami ni Akmar since second year high school. Tapos nagbanda kami nun, iba pa pangalan namin. Para kaming Sandwich, iba iba yung tugtugan. Yung gitarista namin, metal. So gusto nya kaming maging Metallica. Okay lang naman sakin yun pero hindi talaga ako ganun e. Hanggang sa nung college na kami, dun kami naging Cunejo. Dun namin ginamit yung pangalan. May nag-invite sa’min na mag-front act sa Mayrics. From there, naging pop punk naman kami. Yun yung panahon ng Dashboard Confessional.

 

Akmar:

Pero pawala-wala pa rin…

 

Julius:

Gumagawa kami ng mga kanta, sayang naman. Yung Reunion [na song], antagal na nun. Tapos ayun… Gusto talaga namin sumikat e.

 

[Laughing]

 

cunejo 2

 

Insomnia PH:

Napagusapan kanina ang Wazzup, kasama ko kasi si Julius dati dun. Yung iba ba, before Cunejo, sa’n galing?

 

Jeff:

Elementary pa ako nun e. Nakita ko sila sa TV, tumutugtog. Sabi ko, idol ko ‘tong mga ‘to!

 

Anthony:

Baket ka nandito? Di ba roady ka lang namin?

 

Akmar:

Magpakilala ka muna. Sino ka ba?

 

[Jeff walks away]

 

Akmar:

Magsalita ka!

 

Jeff:

Baket, nananawagan ba ako? Di naman ako nananawagan ah!

 

[Laughing]

 

Jeff:

Friendster yung napanood ko e. Elemtary pa ako nun. Pero ngayon, naka-graduate naman ako, awa ng D’yos.

 

Anthony:

Ako, meron akong banda before. Nalaman ko na kelangan ng bandmate ng Cunejo. Ayun, dun ako nakapasok sa Cunejo. Nakita nila magaling ako mag-gitara. Pinakiusapan nila ako. Nag-pm sila sakin, sabi nila “Anggaling mo naman mag-gitara, pwede ka bang sumama sa’min?”

 

Jeff:

Tatlong taon na kinukulet ka, ano?

 

Julius:

Sa’n ka ba nagta-trabaho?

 

Anthony:

Sa banko.

 

[Laughing]

 

Anthony:

Anlayo.

 

Akmar:

Ako, Cunejo talaga ako.

 

Jeff:

Sila yung pundasyon.

 

Anthony:

Si Kurt, dati pang tumutulong sa’min.

 

Akmar:

Kaibigan na ni Julius nung college pa.

 

Julius:

Kaklase ko nung college. Banda nya dati Soapdish. Sabi ko, “Wag ka na dyan! Laos na yan.”

 

[Laughing]

 

Akmar:

Dalawa lang pinasikat n’yan!

 

Anthony:

Laos na yan! Di naman magaling yan e. Dito ka na lang sa punk.

 

[Laughing]

 

cunejo 3

 

Insomnia PH:

Galing ka sa ilang comedy shows, may influence ba ng comedy ang songwriting mo?

 

Julius:

Wala

 

Insomnia PH:

Ah purely love song.

 

Akmar:

Mga pinagdaanan nya. Ako, hindi naman talaga ako nababasted e. So, wala akong kinalaman sa kanta.

 

Julius:

Gusto ko kasi mga kanta ni Taylor Swift.

 

Jeff:

Wala pa naman si Taylor Swift dati ah!

 

Akmar:

‘Wag kang sumabat! ‘Wag kang sumabat, Jeff!

 

Julius:

Bata pa si Taylor Swift idol ko na sya e.

 

Akmar:

Hotdog pa lang sya nun.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Sino pala mga music influence nyo?

 

Julius:

Ako, lahat napagdaanan ko e. Lahat ng… sakripisyo.

 

[Laughing]

 

Julius:

Loko lang.

 

[Laughing]

 

Julius:

Lahat ng genre. Nag-start ako sa slow rock. Mga Bon Jovi, ganyan. Nung elementary ako, Guns N Roses, Metallica. Tapos nung high school kami – Oasis. Tapos nung college, mga punk. Nag-metal din ako, ganyan.

 

Akmar:

Halos parehas lang din pinagdaanan namin.

 

Anthony:

Ako nagsimula ako sa nursery rhymes nung bata pa ako.

 

Jeff:

Sinapuso mo yung nursery rhymes.

 

Anthony:

Hanggang sa napunta na ako sa banda.

 

Julius:

Kapatid nya si Erwin.

 

Insomnia PH:

Erwin?

 

Julius:

Sa Wazzup!

 

Anthony:

Nalaman lang namin nung magkabanda na kami.

 

Insomnia PH:

Small world. Biruin mo yun!

 

Julius:

[pertaining to Jeff] Influence, ano ‘to.. Dongalo.

 

Akmar:

Bone Thugs n Harmony.

 

Julius:

Ganun yung pinapakinggan namin nung high school. Mga Oblaxz, Death Threat…

 

cunejo 4

 

Insomnia PH:

Segue tayo sa present. Recently, inupload nyo yung Reunion music video. And ambilis nagtrend. Anong naradaman n’yo and sa tingin n’yo ano yung pinakamalaking reason? Yung sexy factor ba? Or yung kulet?

 

Julius:

Siguro sa musicality.

 

[Laughing]

 

Julius:

Napansin nila, anggaling ah!

 

Akmar:

Expected na naman namin yun.

 

[Laughing]

 

Anthony:

Iniisip ni Jeff kung pwede daw bang i-withdraw yung views, gawing pera.

 

Julius:

Pero sa totoo, nagulat kami. Sobra. Dati kasi gumawa kami ng music video, nakaboost at may FHM models pa kami pero hindi nagtrend. Eto, 5 hours 10,000 views. Nakatulog lang ako, kinabukasan 30,000 na.

 

Jeff:

Buti nga nakatulog ka. Ako hindi na pinapauwi sa’min e.

 

Anthony:

Tapos andami nang nagme-message sa’min. May mga indecent proposal.

 

[Laughing]

 

Julius:

Siguro ang isang factor dun.. siguro maganda yung execution.

 

Insomnia PH:

And yung acting mo dun! Nung tinuro mo yung mga bata.

 

Julius:

Yun yung nagdala e.

 

Insomnia PH:

Yung kay Sid, parang bonus na lang e.

 

Julius:

Oo, support lang yung kay Sid. Yung natulong ni Sid dun, siguro mga five percent lang.

 

Akmar:

Yung sa’tin, 95.

 

[Laughing]

 

Julius:

Seriously, sobrang thankful kami…

 

Insomnia PH:

Kay God?

 

Julius:

Kay Sid. Syempre kay God din.

 

Insomnia PH:

INSOMNIA kasi ang name nitong mag.. Insomniac din ba kayo? Ano ginagawa nyo sa gabi pag walang gig — Chicks? Aral? Work? Bible study? Anong trip nyo sa gabi?

 

Julius:

Sanay ako matulog ng madaling araw.

 

Insomnia PH:

Nakikita ko plage ka din online e.

 

Julius:

Kasi.. andaming chicks sa Facebook. [laughs] Loko lang! Madalas mag-isip pag madaling araw. So kahit nakahiga ka na, may maiisip ka pa rin.

 

Insomnia PH:

Ano ba yung mga iniisip na yun?

 

Julius:

Random e. Minsan kanta. Minsan, concept ng istorya. Minsan kung papa’no makakatulong sa Pilipinas.

 

Akmar:

Ako nanonood lang ako ng Nickelodeon. At ng Fake Taxi. Mga alas dos. Mga ganung oras sila nag-a-upload. [laughs] Si Jeff.. nag-iisip…

 

Jeff:

Wala, nagbabantay ako.

 

Akmar:

Tambay sa Circle.

 

Anthony:

Nagbabantay sa overpass ng hoholdapin.

 

Jeff:

Nakakuha na ako ng raket. Nagbabantay ako ng subdivision.

 

Julius:

Nag-aabang ng mga magpapa-park sa Timog.

 

Anthony:

Ako pag madaling araw nagtitimpla ng gatas. Nagpapadede sa anak ko.

 

Akmar:

Bukod sa’kin, sya din — father image.

 

Insomnia PH:

Speaking of kaseryosohan, may day job ba kayo? Or focus lang talaga sa pagba-band? Or rich kid naman, no need to work?

 

Akmar:

Di na sana ako magta-trabaho kung binabayadan lang sana ako ni Jeff. Dami pa kasing utang sa’kin nito. [laughs]

 

Jeff:

Ako gabi ang trabaho ko.

 

Anthony:

Illegal trabaho nito.

 

Jeff:

Gabi nga trabaho ko.

 

Akmar:

Ano nga?!

 

Jeff:

Massage therapist, ganun. Pagkatapos ng gig, ayun dumidiretso ako sa trabaho.

 

Akmar:

May mga trabaho kami. Kumbaga etong tugtog namin, parang pantanggal lang ng stress.

 

Julius:

Pero minsan sa banda nai-stress din kami. Lalo na kung kabanda mo si Jeff.

 

[Laughing]

 

Akmar:

Kasi yung ambagan nyo hindi natutuloy.

 

Jeff:

Ako talaga yung pinaka-stress e. Ako yung pinagti-tripan nila e.

 

Akmar:

Sige na, manawagan ka na.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Hindi na ga’no isyu ngayon pero may time na uso ang pogi band. Ano masasabi nyo sa mga pogi band? Kayo ba, pogi band ba kayo? Sino paborito nyong pogi band?

 

Akmar:

Mga poser sila. Kami talaga ang basehan e.

 

Anthony:

Kami yung ginagaya nila. Grabe yung mga chords nila, a-b-c lang e.

 

Julius:

Pag pogi ka, hindi mo na sinasabi yun e. Tingnan mo kami, tahimik kami.

 

Akmar:

Etong si Jeff, hinahabol talaga ‘to e.

 

Julius:

Kami humble lang.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Kung may opportunity na makikipag-collab kayo sa IBA PANG pogi band, sino ang gusto nyo? Sino ba ang favorite local pogi band nyo?

 

Jeff:

Masculados.

 

Anthony:

Collaboration sa kama.

 

[Laughing]

 

Julius:

Di ko naisip yun! Masculados!

Siguro Typecast. Ang pagiging pogi kanya kanya tayo ng definition nun. Parang kanin. Di ba yung kanin, pag binilog mo tumatalbog? Parang ganun e.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Speaking of kanin – hindi na daw naman matutuloy pero ano bang masasabi nyo supposedly ipagbabawal ang unli rice? Sino bang malakas kumain dito?

 

Jeff:

Muntik na kaming ma-disband. Nalaman ko, tita pala ni Akmar si Senator Cynthia Villar. E minura mura ko dun sa chatroom namin.

 

Akmar:

Pinupunto ko naman kasi – nagagalit sya sa unli rice, e hindi naman sya nagma-Mang Inasal. Tapos sinasabi n’ya papano daw yung nagtitipid. Kung 150 ang pera mo, kakain ka ba ng 100 pesos? Mag-karinderia ka!

 

Jeff:

Nagbabaon nga ako e!

 

Akmar:

Baket ka nagagalit sa unli rice? Baket mo sinasabing apektado ka? Wala kang karapatan.

 

[Laughing]

 

Jeff:

Pero sa awa naman ng D’yos, sabi naman ni Akmar bati na daw kami. Kakain na lang daw kami sa Mang Inasal.

 

Anthony:

May unli rice tapos may bottomless na ice tea. Di ba?

 

Julius:

Ang purpose nya yung diet ng pinoy. Baket hindi ipagbawal ang softdrinks?

 

Jeff:

Dami dami nga ng mga taong hindi kumakain, di ba?

 

Julius:

[to Jeff] Ok na?

 

Akmar:

[to jeff] Ok ka na?

 

[Laughing]

 

Jeff:

Ok na. Bati na kami.

 

Insomnia PH:

Balik lang ako sa song nyo and music video na Reunion. May ganun din ba kayong kwento sa real life? Na may kinagagalitan kayo dati na classmate na bully or annoying? Ano ginawa sa inyo? Or kayo yung bully nung grade school?

 

Julius:

Yung baon ko sa bag, ninanakaw. High school yun ha! [laughs]

 

Anthony:

Pinapasali ako dati sa frat. Kaya lang yung mga member, binabatuk-batukan ko lang, baket pa ako sasali sa kanila?

 

Jeff:

Nung bata ako hindi ako nabu-bully. Nung tumanda ako, saka naman ako na-bully. Yung mga ka-banda ko, bully mga ka-banda ko e.

 

Akmar:

[playfully pinches Jeff] Sinabi nang wag kang magsasalita ng ganyan!

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Hindi ko naman sinasabing palage. Pero may time sa gig na kokonti ang tao. Anong nararamdaman n’yo pag ganun?

 

Julius:

Lahat ng gig namin, iniisip namin concert. May tao man o wala. Kahit habang nag-eensayo. Pag nakikita mo si Jeff, parang plageng nasa Philippine Arena.

 

Anthony:

Oo, nagwawala talaga yan!

 

Akmar:

Pero syempre masarap pa din tumugtog pang madaming tao. Pero kung wala, okay lang naman.

 

Julius:

Okay tumugtog pag madaming tao kesa pag madaming tae.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Putang ina! Walang sense.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Baket ka pala naka-jacket kanina? Nilalamig ka ba o porma ‘yun para cool?

 

Julius:

Porma lang.

 

Insomnia PH:

Kasi nakita ko paglabas mo, pawisan ka.

 

[Laughing]

 

Anthony:

Ma-push lang!

 

Insomnia PH:

What’s next for Cunejo?

 

Akmar:

Tatanggalin namin si Jeff.

 

Julius:

Siguro pag sumikat kami, magdi-disband na kami.

 

[Laughing]

 

Insomnia PH:

Tapos mag-reunion concert kayo para kumita.

 

Julius:

Siguro after a week.

 

Insomnia PH:

Si Jeff?

 

Jeff:

Tutulong kami para mapabilis ang MRT.

 

Akmar:

Corny amputa!

 

[Laughing]

 

Julius:

Madaming plano naman pero siguro gagawin na lang namin kesa sabihin.

 

[photo and interview by: Dima]

One Reply to “The Band CUNEJO on their Trending Music Video REUNION; Porn and Insomnia; and Unlimited Rice”

Comments are welcome!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s